Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Amy Boucher Pye

Sa ubasan

Sa tuwing naglalakad si Emma pauwi pagkatapos niyang dalawin ang kamag-anak na may matagal ng sakit, madalas napupukaw ang atensyon niya ng isang puno na may mga bulaklak na kulay rosas at puti. Ang magagandang mga bulaklak ay nagbibigay sa kanya ng saya at pag-asa. Nang minsang mapadaan siyang muli roon, naalala niya ang mga talata sa Biblia na nagsasabing si…

Bagong Buhay

Lumaki si Stephen sa isang lugar kung saan karaniwan na ang gumawa ng masama, magnakaw at magbenta ng ipinagbabawal na gamot. Sampung taong gulang pa lamang siya ay nasangkot na siya sa isang krimen. Pero noong dalawampung taong gulang na siya, nagkaroon siya ng panaginip na naging daan sa kanyang pagbabago. Napanaginipan niya na sinabi sa kanya ng Dios na makukulong…

Matiyagang Paglilingkod

Kung tayo ay nabuhay sa panahon ni William Carey (1761- 1834), masasabi natin na hindi siya magiging matagumpay sa buhay. Pero ngayon, kinikilala si Carey bilang ama ng makabagong pagmimisyon. Mga manghahabi noon ang kanyang mga magulang. Hindi rin siya naging matagumpay na guro at sapatero pero nagsariling sikap siya sa pag-aaral ng wikang Griyego, Hebreo at Latin. Paglipas ng maraming…

Kapayapaang Mula sa Dios

Tinanong ako noon ng kaibigan ko habang kami ay kumakain. “Ano para sa iyo ang kapayapaan?” Sumagot naman ako, “Kapayapaan? Hindi ako sigurado. Bakit mo naitanong?” Sinabi naman niya, “Nakita kasi kita na paulitulit na ginagalaw ang mga paa mo habang nakikinig sa pagsamba. Naisip ko na parang balisa ka. Naaalala mo ba ang kapayapaang ipinagkaloob ng Dios sa mga minamahal…

Alisin ang Tali

Isang organisasyon ng mga nagtitiwala kay Jesus ang may layunin na itaguyod ang kahalagahan ng pagpapatawad. May ipinapagawa sila sa taong nagkasala at sa taong nagawan ng kasalanan. Itinatali nila nang magkatalikod ang dalawang taong ito gamit ang lubid. Ang puwede lang magtanggal ng tali ay ang taong nagawan ng kasalanan. Hindi siya makakaalis hangga’t hindi niya pinapatawad o tinatanggal ang…